Cauayan City, Isabela- Naghahanda na ang Isabela United Doctors Medical Center (IUDMC) sa Lungsod ng Cauayan sa posibleng pagdagsa at pagdami ng mga matatamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, base aniya sa kanilang mga napag-usapan kahapon kaugnay sa COVID-19, ay dadalhin na lamang sa Southern Isabela General Hospital (SIGH) sa Santiago City ang mga PUI’s na may severe cases habang ang ibang procedures na may kaugnayan sa COVID-19 ay ibabato na lamang sa Echague District Hospital.
Kung dumating na sa pagkakataon na dadami ang kaso ng mga magpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon at hindi na kayang tumanggap ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ay nakahanda aniya ang IUDMC para sa mga ia-admit na pasyente.
Dagdag pa ni Mayor Dy, mayroon nang inihandang slot sa public cemetery sa Lungsod sakaling may mamamatay sa mga COVID-19 Patients.
Sa kasalukuyan ay mayroong dalawamput isa (21) na Person’s Under Investigation sa Lungsod habang nasa 1,107 naman na mga Person’s Under Monitoring (PUM’s).
Nananawagan pa rin si Mayor Dy sa publiko na tumalima sa mga kautusan ng pamahalaan kaugnay sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine upang hindi mahawaan at mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.