IUURONG MUNA | Pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle, ipagpapaliban muna

Manila, Philippines – Ipagpapaliban muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle o HOV lane scheme sa EDSA.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago nahihirapan kasi ang mga tauhan ng MMDA sa pagtukoy kung nagka-carpooling ang mga sasakyan na pawang mga heavily tinted.

Dahil dito, napagpasyan ng ahensya na i-urong muna ang pagpapatupad ng HOV lane hanggang sa katapusan ng taon habang pinag-uusapan pa kung papano sosolusyonan ang problema.


Dagdag pa ni Pialago, maliban sa mga heavily tinted na sasakyan, nabatid na hindi pa masyadong maalam ang mga motorista ukol sa HOV lane scheme.

Facebook Comments