Ivana Alawi, nag-abot ng tulong sa street vendor na nagpaiyak sa kanya sa viral prank video

Ipinahanap at tinulungan ng vlogger na si Ivana Alawi ang isang street vendor na nagpaiyak sa kanya sa ginawa niyang prank video na umabot na ng 17 million views.

Ayon kay Ivana, nakakaantig ng puso ang kabutihang loob ni tatay Joselito Martinez na nagawa pa siyang bigyan ng pera sa kabila ng katayuan nito sa buhay.

Sa post ng isang netizen, makikita na nag-ikot si Alawi kasama si Joselito sa isang appliance store na namimili.


Binigyan din ng aktres ng P20,000 si tatay Jose na kaniya raw ipambibili ng bisikleta na magpapadali sa kaniyang pagtitinda.

Matatandaang isa si Ivana sa nag-abot ng tulong sa mga naging biktima ng bagyo sa Metro Manila at pagbaha sa Isabela at Cagayan.

Bukod dito, namigay rin si Ivana ng P10,000 cash at sampung scholarships bilang pasasalamat sa pag-abot niya sa 10 million subscribers na ngayon ay nasa 12.5 million na.

Facebook Comments