Muling nanindigan ng ang Department of Health na hindi pa rin nila inirerekomenda na gamitin ang anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Ito ay matapos magpadala ng kasulatan ang British Ivermectin Research Development para hikayatin ang gobyerno ng bansa na gamitin ang Ivermectin bilang prophylaxis at early treatment sa nasabing sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa ring matibay na ebidensyang nagpapatunay na epektibo ito.
Sa katunayan, aniya, lumabas sa randomized controlled clinical trial na hindi nito napipigilan ang mortality mula sa sakit o napapabuti ang kalagayan ng mga indibidwal na may COVID-19.
Sa kabila nito, hindi naman isinasara ng DOH ang posibilidad na magbago ang kanilang rekomendasyon sakaling magkaroon pa ng dagdag na impormasyon ang ahensya.
Pero sa ngayon, ang kaligtasan ng publiko ang kanilang prayoridad.