Ivermectin, binigyan na ng Certificate of Product Registration ng FDA

74

Binigyan na ng Certificate of Product Registration (CPR) ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin.

Ito ang inihayag ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera sa inilabas na statement sa media.


Ayon kay Herrera, welcome ang kauna-unahang paglalabas ng CPR sa Ivermectin na inisyu sa local pharmaceutical company na Lloyd Laboratories, Inc.

Ibig sabihin, ang kumpanyang ito ay binibigyan na ng pahintulot ng FDA na mag-manufacture, mag-distribute, at magbenta ng nasabing gamot.

Bagama’t hindi pa napapatunayang gamot ito sa COVID-19, ilang testimonials na mula sa mga doktor, medical groups at individuals ang nagpatunay na mabisa itong prophylaxis at treatment sa mga nagkasakit ng SARS-CoV-2 virus.

Facebook Comments