Sisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trials sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, layon ng walong buwang pag-aaral na makita ang bisa, kaligtasan at epekto ng Ivermectin sa mga asymptomatic at non-severe Filipino patients.
Lalahukan ito 1,464 na mga COVID-19 patients na may edad na hindi bababa sa 18.
Hunyo pa dapat isasagawa ang pag-aaral na tatagal hanggang Enero 2022.
Naglaan naman ang gobyerno ng P22 milyon para sa nasabing clinical trials.
Facebook Comments