Lumabas sa isang pag-aaral na ang anti-parasitic drug na Ivermectin ay hindi viable option para gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19.
Batay sa pag-aaral na inilathala ng Oxford University Press for the Infectious Diseases Society of America noong June 28, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin sinusuportahan ang paggamit ng Ivermectin bilang COVID-19 treatment.
Ang pandemic response aniya ng pamahalaan ay nakabatay sa siyensya at pinapayagan lamang ang mga ligtas at epektibong gamot.
Una nang sinabi ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) na hindi pwedeng gamiting treatment sa COVID-19 patients ang Ivermectin.
Facebook Comments