Ivermectin, makakabuting bigyan ng emergency use permit

25

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Food and Drug Administration o FDA na bigyan ng emergency use permit ang Ivermectin.

Ayon kay Marcos, ito ay para magamit na ang Ivermectin na gamot sa mga nagpopositibo sa COVID-19.


Paliwanag ni Marcos, nakita namang nakakatulong ang Ivermectin sa mga tinamaan ng virus at abot kaya pa ang presyo.

Ipinunto ni Marcos, nagdudulot lang ng intriga sa halip na makatulong ang pagbibigay ng compassionate special permit sa ilang ospital.

Pakiusap ni Marcos sa mga kinauukulan, pagaanin natin ang buhay ng lahat ngayong may pandemya lalo na at kulang pa rin ang ating bakuna.

Facebook Comments