Ivermectin, wala pa ring patunay na epektibo bilang gamot sa COVID-19 – FDA

Wala pa ring ebidensiyang nagpapatunay na epektibo ang anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) kahit na magsisimula na ngayong araw ang clinical trials dito ng Department of Science and Technology (DOST).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na kahit siya ay hindi niya inirerekomenda sa mga pasyente ang Ivermectin lalo na’t mataas ang tyansang may ibang kumplikasyon na makuha ang gagamit nito.


Samantala, una nang sinabi ng DOST na tatagal nang walong buwan ang clinical trial sa Ivermectin para sa mga asymptomatic at mild COVID patients sa bansa.

Facebook Comments