Ivermectin, wala talagang bisa vs COVID-19 – eksperto

Napatunayan na ng mga eksperto na walang bisa ang gamot na Ivermectin sa COVID-19 kaya itinigil na ang clinical study para rito.

Ito ang niliaw ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 kaugnay sa tuluyang pagpapatigil sa pag-aaral tungkol sa Ivermectin.

Malawak aniya ang ginawang pag-aaral at nakitang walang benepisyo ang pag-inom ng nasabing gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.


Kaya aniya tuluyang itinigil ang pag-aaral sa Ivermectin sa Pilipinas.

Kabilang ang Ivermectin sa sinuri ng Food and Drug Administration at Department of Science and Technology kung mabisa nga sa COVID-19.

Facebook Comments