IWAS AKSIDENTE | DILG, mahigpit na pinababantayan ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok at pailaw

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government sa mga kaukulang ahensya na ipatupad ang tamang hakbang sa firecrackers at pailaw.

Target ng DILG na mapababa pa ang firecracker related injuries sa pagsalubong sa 2018.

Dahil dito, inatasan ni DILG Officer in Charge Catalino Cuy, ang Philippine National Police na maging mahigpit sa pag-inspeksyon sa mga establisyimentong nagtitinda ng paputok at pailaw.


Aniya, dapat kumpiskahin at sirain ang mga ipinagbabawal na paputok.

Inutusan rin ni Cuy ang Bureau of Fire Protection na tulong at suportahan ang PNP.

Facebook Comments