IWAS AKSIDENTE | Mahigpit na patakaran sa firecrackers at iba pang pyrotechnic devices, iniutos ng DILG

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Interior and Local Government ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na magpatupad ng mahigpit na patakaran sa paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices para masiguro ang incident-free at ligtas ang selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Ipinag-utos ni DILG-OIC Catalino Cuy sa PNP na magsagawa na ng inspections at pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na firecrackers at pyrotechnic devices alinsunod sa umiiral na Republic Act 7183 at Executive Order 28.

Ang BFP naman ang magbibigay suporta sa PNP sa pagpapatupad ng executive order lalo na ngayong Christmas season kung saan inaasahan ang paggamit ng mga firecrackers at pyrotechnic devices.

Aniya kailangan maipatupad ng mahigpit ang batas upang mabawasan ang mga insidente ng paputok kung hindi man tuluyang magkaroon ng zero firecracker-related injuries at casualties ngayong taon.


Base sa datos ,kabuuang 350 fireworks-related incidents ang naitala noong nakalipas na Enero a- 1, 2017.

Facebook Comments