IWAS ALCOHOL BAN | Magbabarkada sa Nigeria, gumawa ng artificial island para doon mag-inum

New Zealand – Isang grupo ng mga alcohol drinker’s ang gumawa ng artificial island para makaiwas sa alcohol ban na ipinatupad sa kanilang lugar nitong holiday season.

December 23 nang ipatupad ng local government ng Tairua sa Northern New Zealand ang alcohol ban na tatagal pa ang January 6.

Kaya para hindi makulong at mapagmulta, naisipan nilang magtambak ng lupa sa gitna ng isang ilog sa tairua na ginawa raw nila habang low tide pa.


Ayon naman kay Waikato Eastern Area Commander Inspector John Kelly – “creative thinking” ang ginawa ng grupo.

Biro pa niya, kung alam nga lang din daw niya ay baka sumama siya sa mga ito.

Wala namang naaresto sa nangyaring drinking island incident.

Facebook Comments