Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Grace Poe ang expansion o pagpapalawak sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa halip na ayusin lamang ang mga terminal nito at ilipat byahe ng ibang eroplano sa Clark International Airport sa Pampanga.
Ang mungkahi ni Senator Grace ay solusyon sa problema ng pagsisikip sa NAIA dahil sa sobrang dami ng dumadagsang mga pasahero.
Paliwanag ni Senator Poe, band-aid solution o pansamantala lang ang paglilipat sa Clark at tiyak na mananatili pa rin ang mala-sardinas na kondisyon ng mga pasahero sa terminal 1, 2, 3 at 4 ng NAIA.
Sa pagdinig ng pinamumunuan ni Senator Poe na Committee On Public Services ay lumutang din ang mungkahi na pagbuo ng super consortium na magpapalawak sa paliparan at ito ay bubuuin ng pitong malalaking real estate companies.
Naniniwala si Senator Poe na magiging mas maayos at mabils ang pagsasaayos sa naia kapag pribadong sektor ang humawak.
Pero paalala ni Senator Poe, dapat siguraduhin na hindi tatagain sa presyo ang mga pasahero kapalit ng magiging ginawa sa paliparan.