Manila, Philippines – Nirerespeto ni Committee on Public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang pasya ng Supreme Court na pakawalan ng Senado si Aegis Juris Fraternity Leader Arvin Balag.
Ayon kay Lacson, isasantabi muna niya ang paggiit sa kapangyarihan ng dalawang kapulungan ng Kongreso na pilitin ang mga resource person sa kanilang pagdinig na magbigay ng testimonya in aid of legislation.
Bagama’t ginagarantiyahan aniya ng kanilang rules at ng konstitutsyon ang nasabi kapangyarihan ay pagbibigyan nila ang nasabing desisyon ng Supreme Court ngayon kahit hindi pa ito pinal.
Diin ni Lacson, ito ay para maiwasan ang constitutional crisis o salpukan sa pagitan ng Senado at Kataas-Taasang Hukuman ngayong Kapaskuhan.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Lacson na pag-uusapan nila ang nabanggit na isyu at kikilos sila sa tamang pamahapn para ipaglaban ang kapangyarihan ng Senado bilang co-equal branch ng gobyerno.