IWAS DISGRASYA | EPD, namahagi ng flyers para sa ligtas tips ngayong Bagong Taon

Manila, Philippines – Namahagi ng mga flyers ang pamunuan ng EPD kasama ang DMFB PCR personnel at DMFB Bikers na nagsagawa ng Oplan Bandillo, at Ugnayan sa mga Security officers sa EDSA Shangri-la at Meralco Ave Bus Stop tungkol sa Iwas Paputok, EO No 28, Anti-Indiscriminate Firing at iba pang pamamaraan ng Ligtas Tips para sa New Year’s Celebration.

Inisa isa ng mga pulis ang lahat ng mga namamasyal sa Mall na inaabutan ng flyers upang maiwasan na madisgrasya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nais iparating ng EPD ang kahalagahan na ligtas ang publiko sa anumang kapahamakan sa pagpasok ng 2018.









Facebook Comments