IWAS-DISGRASYA | Regulasyon sa paggamit ng mga paputok, iniutos ng DILG

Manila, Philippines – Iniutos ni DILG Secretary Eduardo Año sa lahat ng Local Government Units (LGUs) sa buong bansa at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang regulasyon sa paggamit ng paputok ngayong panahon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Puntirya ng DILG na maibaba pa ang firecracker related injuries ngayong taon.

Ayon kay Año malaki ang papel na gagampanan ng mga LGUs at PNP sa pagpapatupad ng batas na nagre-regulate sa bentahan, paggawa, distribusyon at paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.


Pinaalalahanan ng DILG ang publiko sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok o firecrackers tulad ng watusi, piccolo, super lolo, atomic triangle, large Judas belt, large bawang, pillbox, bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb and kabasi.

Nais ng DILG na maiwasan ang anumang sunog at aksidente na ang dahilan ay ang paggamit ng mga ilegal at ipinagbabawal na paputok.

Facebook Comments