Manila, Philippines – Pabor si PDEA director Aaron Aquino na gawin sa araw ang mga ikakasang drug operation tuwing weekdays.
Ayon kay Aquino, maiiwasan ang engkwentro at ang posibleng misencounter ng mga operatiba kung gagawin sa araw ang oplan tokhang.
Mas madaling makita kung naka uniporme ang mga operatiba at kung may kasamang barangay captain sa gagawing pagkatok sa mga bahay ng mga suspected drug personality.
Aniya, mas fined tuned ngayon ang pagkilos ng mga anti-drug operatives sa bagong guidelines ng Oplan Tokhang dahil sa mas malinaw ang kolaborasyon ng lahat ng mga ahensya na kasama sa war on drugs.
Facebook Comments