Manila, Philippines – Sa layuning maibsan ang pahirapang pagkuha ng appointment sa Department of Foreign Affairs sa pag apply at pag-renew ng mga pasaporte.
Nakipag tulungan ang DFA sa Las Piñas City government para sa “Passport on Wheels” (POW) program.
Ngayong araw inilunsad ang nasabing mobile passport application service para ayudahan ang mga aplikanteng hirap makakuha ng online appointments.
4 na passport on wheels ang nasa Las Piñas city ngayon na kayang magproseso ng tig 500 pasaporte o kabuuang 2,000 pasaporte sa isang araw.
Nuong isang linggo nasa nabatid na nasa Muntinlupa ang Passport on Wheels at nakatakda itong umikot sa buong Metro Manila.
Ang DFA sa pamamagitan ng mga Local government Units ay ipapaabot sa bawat brgy kung kailan magtutungo ang passport on wheels.
Iaanunsyo naman ng mga brgy. officials sa kanilang mga nasasakupan ang schedule ng pagpunta ng POW sa kanilang lugar upang tulungan ang mga nagnanais mag apply at magrenew ng mga pasaporte.