Manila, Philippines – Inamin ng Philippine National Police na hindi nila ipapakita ang lahat ng nilalaman o kuha ng mga gagamiting body camera’s ng mga pulis para sa kanilang anti-illegal drugs operation sa publiko.
Ayon kay Deputy Director Genereal Archie Gamboa, The Chief Directorial staff hindi pwedeng ipakita ang mga mahahalagang detalye ng kanilang operasyon partikular ang operational tactics at estratehiya dahil makakaapekto ito sa kanilang operasyon.
Paliwanag ni Gamboa ayaw nilang makompromiso ang mga susunod nilang operasyon kontra droga.
Aniya pa na ang pinakalayunin ng paggamit ng body camera’s sa mga drug operations ay para sa imbestigasyon at makabuo ng panuntunan o tool for policy formulation.
Sa kasalukuyan mahigit 12 libong mga body camera’s ang kailangan ng PNP para magamit ng mga pulis sa kanilang oplan tokhang at anti-illegal drug operations.
Nakabase sa PNP guidelines ang pagdadala ng body camera’s ngunit sa ngayon ay hindi pa ito mahigpit na ipinatutupad dahil hindi pa sapat ang body camera’s ng PNP para sa mga drug operations.