IWAS KORAPSYON | Dagdag sweldo ng pulis, susi para makaiwas sa korapsyon

Manila, Philippines – Umaasa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na sa pagtataas ng sweldo ng kanilang hanay ay mawawala na ang korapsyon ng ilang nilang mga kabaro.

Ayon kay Police Chief Supt. Joselito Vera Cruz ang Executive Officer ng Directorate for Comptrollership, makakapag-isip-isip na ngayon ang mga pulis na gumagawa ng korapsyon.

Sa oras kasi aniya na mahuli sila sa kanilang katiwalian tiyak na malaki ang mawawala sa kanila dahil masisibak sila sa serbisyo at mawawala ang malaking sweldo.


Batay sa joint resolution na epektibo nitong January 1, doble na ang sahod ng mga Police Officer 1 na ang bilang ay aabot sa 76,000 as of December 2017.

82 percent naman ang itinaas sa sweldo ng PO2, 72 percent sa PO3, 53 percent sa SPO1, 45 percent sa SPO2, 37percent sa SPO3, 29 percent sa SPO4, 35 percent sa PINSP, 41 percent sa PSINSP, 47 percent sa PCINSP, 52 percent sa PSUPT, 58 percent sa PSSUPT, 64 percent sa CSUPT, 70 percent sa PDIR, at parehong 79 percent ang itinaas ng PDDG at sweldo ng PNP Chief.

Maliban sa taas-sweldo, mababawasan din ang tax na ibabawas sa mga PNP personnel batay sa TRAIN Law na epektibo rin ngayong buwan.

Ibig sabihin malaki ang maiti-take home ng mga pulis.

Facebook Comments