IWAS KRIMEN | Mas malaking plaka sa mga motorsiklo, makakatulong para makaiwas sa krimen

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ngayon ng Kamara ang mga panukalang batas para sa paggamit ng mas malaking plate number sa mga motorsiklo.

Dahil dito bumuo na ang House Committee on Transportation ng Technical Working Group para i-consolidate ang apat na panukala kaugnay nito.

Layon ng mga ito na maprotektahan ang publiko sa laganap na riding in tandem na mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa kanilang krimen.


Kung mas malaki ang plaka, mas madaling makikita ito ng publiko kahit pa labing dalawa hanggang labing limang metro ang layo ng suspek.

Sa sampol ng LTO, pwedeng 9×6 inches ang maging laki ng plaka ng motor.

Suportado ng Department of Transportation ang nasabing panukala.

Facebook Comments