“Iwas Paputok 2016” Campaign Ng Dept. Of Health, Nakatakdang Ilunsad

7

MANILA – Nakatakdang ilunsad ng Department of Health sa December 5 ang “iwas paputok 2016”Kasabay ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa executive order kaugnay sa pagbabawal sa paputok sa buong bansa.Pero, nilinaw ni Health Spokesman Dr. Eric Tayag na hindi total ban ng paputok ang nakasaad sa naturang E.O. kundi isang selective ban.Ibig sabihin, pwede pa ring bumili at gumamit ng mga paputok pero hindi na sa mga bahay kundi sa mga community controlled area.Layon aniya nitong matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ngayong darating na holiday season.

Facebook Comments