Iwas paputok campaign, epektibo pa rin para mapababa ang firecracker related incidents ayon kay DOH Secretary Herbosa

Itinuturing pa rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa na matagumpay ang iwas paputok campaign ng pamahalaan.

Sa pulong balitaan ng DOH kasunod ng isinagawang inspeksyon sa East Avenue Medical Center, sinabi ni Herbosa na bumababa taun-taon ang dami ng mga napuputukan.

Ginunita ni Herbosa ang kanyang karanasan noon, kung saan kaliwa’t kanang daliri ang napuputol at halos napupuno ang kanilang lalagyan.


Magandang senyales din ayon sa kalihim na dumarami ang mga ocal government units (LGUs) na nagsasagawa ng fireworks display kaya’t marami ang nahihikayat na manood na lang sa halip na magpaputok.

Facebook Comments