IWAS PAPUTOK, INILUNSAD SA PANGASINAN NG DOH-CHD1

Inilunsad na ng kaninang umaga ng Department of Health-Center for Health Development 1 ang Iwas Paputok Campaign 2022 sa Capitol Grounds, Lingayen Pangasinan.
Pinangunahan ito ni DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco, kasama si Pangasinan Governor Ramon “Mon Mon Guico” III, kinatawan ng Pangasinan Provincial Police, Bureau of Fire Protection Pangasinan upang ipanawagan ang pag-iwas sa paputok at gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay.
Sa datos ng Provincial Health Office ng Pangasinan, nakapagtala ang probinsya ng 39 na kaso ng firecracker related injuries mas mataas ng 15% kumpara sa kaso na naitala noong 2021 na nasa 34 na kaso. Karamihan umano sa mga biktima ay mga bata edad apat hanggang 14.

Dahil dito, hinikayat ng Awtoridad ang publiko na manood na lamang ng fireworks display o gumamit ng alternatibong pampaingay gaya ng torotot upang makamit ang zero firecracker related injuries.
Tiniyak din ng DOH-CHD1, na naka alerto na ang mga hospital at personnel nito bilang paghahanda sa holiday season.
Bilang pagpapakita ng suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa kampanya ng ahensya nakatakdang magbukas ng isang Executive Order ang gobernador upang ipaalala ang tiyakin ang mga pyrotechnic dealers, sellers at manufacturers ay sumusunod sa ipinatutupad na regulasyon sa ilalim ng s Republic Act 7183 at E.O 28 series of 2017. |ifmnews
Facebook Comments