IWAS-PINSALA | Dahil sa mga bagyo, panahon ng pagtatanim sa Northern Luzon, paaagahin

Nais ng Department of Agriculture (DA) na baguhin ang panahon ng pagtatanim ss mga lugar na malimit na bayuhin ng bagyo sa Northern Luzon.

Inatasan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga LGUs at ang National Irrigation Administration (NIA) na gawing mas maaga ng isang buwan ang panahon ng pagtatanim ng palay upang matiyak na ang panahon ng anihan ay papatak tuwing ikalawang linggo ng Setyembre ng bawat taon.

Sa ilalim ng bagong planting calendar, inaasahan na bubuksan ng NIA ang mga irrigation canals sa buwan ng Abril at Mayo upang maihanda ng mga magsasaka ang kanilang lupa sa pagtatanim.


Malimit ayon kay Piñol na typhoon period na ang buwan ng Setyembre.

Dahil dito, ang mga lugar na hindi malimit binabagyo tulad ng tatlong probinsya sa Samar provinces, dalawang probinsiya sa Leyte, ang Negros Oriental, Negros Occidental, Panay Island, Palawan at Mindoro ay itinalaga ng Department of Agriculture na buksan ang nasa 300,000-hectares ng bagong rice farming areas para matiyak ang buffer rice production.

Noong 2016, sinalanta ni Bagyong Lawin ang Northern Luzon sa mga buwan ng Oktubre.

Nitong buwan ng Setyembre, sinira naman ni Ompong ang nasa ₱26 billion na agriculture products sa Northern Luzon.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments