IWAS-PUSOY? | Palasyo, dumistansiya sa pag-renew ng COMELEC sa kontrata ng Smartmatic para sa 2019 Elections

Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacanang ang desisyon ng Commission on Election (COMELEC) na i-renew ang kontrata ng Smartmatic para sa 2019 midterm Elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang independent Constitutional Commission ang COMELEC kaya inirerespeto nila ang ano mang mapagdesisyunan nito.

Para naman aniya sa mga kumokontra sa desisyon ng COMELEC ay mas magandang kuwestiyunin nalang nila sa Korte Suprema ang usapin para ito ay maidaan sa tamang proseso.


Matatandaan na mismong si Presidential Adviser for Political Affairs Secretary Francis Tolentino ang nagbunyag na kinuha muli ng COMELEC ang Smartmatic na hindi aniya dumaan sa public bidding kung saan tinawag niya itong midnight deal.

Facebook Comments