IWAS SA SIKSIKAN │Paglipat ng Bilibid sa Nueva Ecija, isinulong

Manila, Philippines – Inihain ni Committee on Justice and Human Rights Chiarman Senator Richard Gordon ang senate bill 1612, kung saan nakapaloob ang paglilipat sa fort magsaysay Nueva Ecija ng Bilibid na nasa Muntinlupa City ngayon.

Sa panukala ni Gordon, ang Department of Justice ang magpapatayo ng malalaking gusali sa fort magsaysay para hindi magsiksikan ang libo-libong preso.

Solusyon ito ni Gordon sa 24,770 inmates sa Bilibid na ang kapasidad lang ay 10-libo katao.


Para kay Gordon, ang sitwasyon sa bilibid ngayon tila nasa State of Emergency na at parang bombang naghihintay na sumabog.

Idinagdag pa ni Gordon na katungkulan din ng gobyerno sa ilalim ng universal declaration of human rights na irespeto at pahalagahan ang mga bilanggo.

Facebook Comments