IWAS SAKIT | Department of Health, muling nagpaalala sa mga sakit na maaring makuha ngayong amihan season

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Dept. of Health (DOH) sa mga sakit na pwedeng makuha ngayong malamig ang panahon dulot ng hanging amihan.

Ayon kay health Usec. Gerardo Bayugo, inaasahan pang lalamig ang panahon hanggang Pebrero kaya ugaliing magsuot ng akmang damit sa malamig na panahon.

Ubo at sipon ang pangunahing sakit ang nakukuha ngayong amihan season.


Manatili at magpahinga sa bahay kapag may sakit para maiwasan ang pagkalat nito sa iba pang tao.

Magkaroon din ng sapat na oras sa tulog, healthy diet at limitahan ang pag-inom ng alak.

Facebook Comments