Davao – Aprubado na sa Davao City Council ang ordinansa na dapat nang maisama ang half-rice sa mga menu ng mga restaurant sa lungsod.
Sakop din ng ordinansa ang mga Eskwelahan, Opisina, Ospital at mga Catering Services.
Layon nitong mabawasan ang nasasayang na bigas sa Lungsod.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng: 1,000 pesos sa 1st offense; 3,000 pesos at isang buwang suspensyon ng lisensya o permit to operate sa 2nd offense; 5,000 pesos at permanenteng kanselasyon ng lisensya o permit to operate sa 3 rd offense.
Ang City Health and Agriculture Office ang mangunguna sa mga inspeksyon.
Ipapadala pa kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang ordinansa bago maipatupad.
Una nang nagpatupad ng half-rice ordinance sa Quezon City, Maynila, Cebu at Iloilo.