IWAS | Solicitor General Jose Calida, nagtungo sa Senado

Manila, Philippines – Umiwas sa media si Solicitor General Jose Calida nang magpunta sa Senado.

Naging mailap rin si Calida nang pumasok sa opisina ni Senador Panfilo “Ping” Lacson at ni Senate Majority Leader Migz Zubiri.

Ayon kay Sotto, nagpunta sa Senado si Calida para ipakiusap ang mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas sa pagreporma sa Office of the Solicitor General (OSG).


Una nang naging laman ng mga ulat ang security agency ng asawa ni Calida na nakakuha umano ng milyon-milyong pisong kontrata mula sa National Parks Development Committee, National Anti-Poverty Commission, at National Economic Development Authority (NEDA).

Mariing itinanggi ni Calida ang anumang iregularidad sa mga nasabing kontrata lalo at matagal na siyang kumalas sa kanilang security agency.

Facebook Comments