Manila, Philippines – Simula Nobyembre, ipatutupad na ng MMDA ang adjusted mall hours para maibsan ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa holiday season.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – nagkasundo sila at ang mga mall operator na gawing 11am ang opening hour ng mga mall mula november 5, 2018 hanggang January 14, 2019.
Partikular itong ipatutupad sa mga mall na nasa kahabaan ng EDSA, Libis, Marcos Highway at Commonwealth Avenue.
Depende naman na sa mga mall operator kung anong oras sila magsasara pero iminungkahi ng MMDA na gawin ito ng alas onse ng gabi.
Bukod sa adjusted mall hours, natalakay din sa pulong ang probisyon sa pagdaragdag ng seguridad sa pagmamando ng trapiko, pag-a-adjust sa mga loading at unloading area at pakikiisa ng mga mall operator sa anti-colorum campaign ng gobyerno.