Manila, Philippines – Animnapung (60) unit pa ng Point-To-Point Bus ang target na maipasada ng Inter-Agency Council On Traffic (i-ACT) bilang katuwang ng MRT-3 sa pagsasakay ng mga commuters.
May biyahe itong mula North Avenue station hanggang Ayala sa Makati natatakbo mula alas 5:00 hanggang alas 9:00 ng umaga.
Ayon kay i-ACT Spokesperson Atty. Aileen Lizada – mas maraming pasahero na kasi ng MRT ang tumatangkilik ngayon sa P2P buses.
Bukod sa mababa ang pamasahe, mas mabilis din aniyang nakararating sa kanilang destinasyon ang mga commuter sa tulong na rin ng mga escort na motorcycle units ng MMDA.
Kahapon, tatlumpu’t tatlong P2P Bus ang nakabiyahe kung saan mahigit 2, 500 ang napagsilbihan.
Facebook Comments