IYA VILLANIA, BINUKING NG ASAWANG SI DREW ARELLANO

Mula ng magsimula ang Community Quarantine, naka Work From Home na si Iya Villania sa kanyang segment sa primetime newscast sa Siyete. Buntis pa lamang si Iya noon sa kanilang 3rd baby na si Ana Lauren, hanggang sa maisilang ito noong July 18, 2020.

Dahil Work From Home, kaisa si Iya sa mga kagaya natin na presentable sa harap ng kamera, sa anggulong nakukuha lamang nito. Ito ang pangbubuking na ginawa ng mister niyang si Drew Arellano nang i share nito sa Instagram story niya ang Behind The Scene photos ni Iya habang nag rereport sa nasabing programa.

Naka shorts, at iisang tsinelas lang ang suot nito habang umeere ang programa. Ayon sa pabirong caption ni Drew, “my wife is always ahead of the fashion curve.” Maraming netizens naman ang natuwa sa post na ito ni Drew.


Facebook Comments