Iya Villania, paano nga ba sinolusyunan ang pagsikip ng wedding ring?

Kwelang ibinahagi ng aktres na si Iya Villania ang kaniyang ginawa matapos hindi na magkasya sa kaniyang daliri ang wedding ring nila ng asawang si Drew Arellano.

Kasunod ito ng pag-post ni Iya ng isang larawan kung saan hindi na mangalahati sa kaniyang daliri ang sparkling diamond ring.

Ayon kay Iya, imbes na ipaayos sa mga jewelry store, mas mabuti aniyang hayaan na lamang ito.


Hindi rin aniya siya mahilig magsuot ng mga jewelry kaya nagpasya siyang ipasa na lamang ito sa kaniyang anak na babae.

Sina Iya at Drew ay ikinasal noong 2014 kung saan may tatlo na silang anak na sina Primo, Leon at Baby Alana.

Facebook Comments