Iza at Bianca mangunguna sa ikatlong taon ng She Talks Asia Summit

Mangunguna ang mga aktres na sila Iza Calzado-Wintle at Bianca Gonzales-Intal sa ikatlong taon ng She Talk’s Asia Summit na may tema na “We are enough”.

Layon ng aktibidad na magbahagi ng mga impormasyon at kaalaman tungkol sa napapanahong kalagayan at karapatan ng mga ina at kababaehan sa bansa.

Kabilang sa inaasahang tatalakayin ay ang pagsasabatas ng “expanded maternity leave”.


Imbitado rin ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo bilang guest speaker sa nasabing event na gaganapin sa Marso 16 sa BGC, Taguig City.

Facebook Comments