Iza Calzado, ibinahagi ang kaniyang journey to body positivity

73

Ibinahagi ni Iza Calzado ang kaniyang “destructive love-hate relationship” sa kaniyang katawan sa isang open-letter sa Metro-style website.

Ayon kay Iza, sinabihan siya na “Sayang, maganda ka sana pero mataba ka.”


Umabot din sa 220 pounds ang kaniyang katawan na nagresulta na gutumin ang sarili at uminom ng diet pills.

Sa beauty-obsessed industry na kaniyang ginagalawan, inamin niyang sumailalim din siya sa breast enhancement injections at thigh lift.

Inamin niya ring naging insecure siya at kunukumpara ang sarili sa ibang kasama sa industriya.

“Perhaps the journey is far from over, and I have so many things I still need to address within myself to help me become a better version of myself. So I keep my head up and continue marching on, arming myself with self-love, compassion, and acceptance. But today, as I share my story, I can truly tell myself, ‘I am enough’.” dagdag niya.

Facebook Comments