Iza Calzado, negatibo na sa COVID-19 matapos magpa-retest

1899
(Iza Calzado Instagram)

Negatibo na ang aktres na si Iza Calzado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong magpa-retest.

Ibinahagi ng talent manager ni Iza na si Noel Ferrer sa kanyang Facebook post ngayon lamang Marso 30, na bukas ay makakalabas na ng ospital ang aktres matapos umano nitong makumpleto ang IV antibiotics.


Ani Noel, “Iza’s retest results came back and she is now negative for CoVid.”

Nagpasalamat si Noel sa mga taong sumuporta sa aktres noong nagpositibo ito sa virus maging ang mga health care workers na isinasakripisyo ang kanilang buhay para masugpo ang naturang sakit.

Maalalang nito lamang Marso 28 nang ibalita ni Noel na nagpositibo si Iza sa COVID-19 matapos matanggap ang resulta noong Marso 27.

Ibinahagi nito sa kanyang FB post ang balita at ikinuwento ang mabilis na pagrekober ng aktres na kaya na umanong huminga na walang suot na oxygen mask.

Nabanggit din nito na isasailalim muli si Iza sa test para malaman kung negatibo na ito sa virus.


Nanawagan naman si Noel sa patuloy na paggaling ng aktres.

Sabi niya, “Let us continue to pray as Iza continues to heal and support others who are battling with the virus.”

Facebook Comments