Iza Calzado, sumailalim sa COVID-19 test matapos maospital dahil sa pneumonia

2203
(Iza Calzado Instagram)

Kasalukuyang nasa ospital ngayon ang aktres na si Iza Calzado dahil umano sa pneumonia, rason para isailalim siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ng aktres ang kanyang kalagayan at ang hinihintay na resulta ng test, kung saan makikita siyang nakahiga habang suot ang isang oxygen mask.


View this post on Instagram

Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all. I'm currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now. It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones. I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles. I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together. ❤️

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado) on

Saad niya, “I’m currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now.”

Aniya, isa umanong hamon para sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon ngunit hindi raw ito maikukumpara sa mga frontliners na nag-alaga at nag-asikaso sa kanya.

“My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones,” sabi niya.

Kaugnay nito, humingi rin ng dalangin si Iza para sa lahat ng gaya niyang may karamdaman at sa mga taong may pinagdaaranan sa mga panahong ito.


Lalo’t higit umano sa mga medical workers na handang isakripisyo at gawin ang lahat ng kanilang makakaya sa kabila ng mga hadlang at pwede nilang kaharapin.

“I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together. ❤️,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, patuloy pa rin daw ang paghihintay ni Iza Calzado sa resulta upang malaman kung siya nga ba ay positibo o hindi sa COVID-19.

Facebook Comments