J. Fajardo Bridge sa Sampaloc, Manila, pansamantalang isasara ng DPWH

Pitong buwan munang isasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang J. Fajardo Bridge sa Sampaloc, Manila, simula bukas, Pebrero 1.

Ito ay para bigyang-daan ang total replacement at reconstruction ng tulay.

Ang tulay na may habang 14 metro at lapag na 11 metro ay sisimulang i-demolish bukas at inaasahang matatapos sa Setyembre.


Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Para sa mga magtutungo sa R. Magsaysay Blvd., maaaring dumaan sa Vicente Cruz at D. Tuazon habang sa España Blvd. naman ang mga patungong A.H. Lacson Avenue.

Maaari ring dumaan sa Carola: J. Fajardo patungong Geronimo; Geronimo: Carola patungong G. Tuazon; at Cristobal: J. Fajardo patungong G. Tuazon ang mga pupunta sa A.H. Lacson Avenue.

Facebook Comments