Jaclyn Jose, mag-o-audition para sa casting ng Spider-Man 3

80

Hindi lang ang beteranang aktres na si Gina Pareno, kundi target din ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose na mag-audition para sa isang international film.

Say ng manager ng aktres na si Perry Lansigan, approved na kay Jaclyn Jose ang pagsa-submit ng kanyang resume sa Walt Disney Film Production.


Interesado raw si Jaclyn na mag-audition para sa casting ng “Spider-Man 3” kung saan naghahanap sila ngayon para sa role ng isang Pilipinong lola.

Nabatid na nakaukit na ang pangalan si Jaclyn sa International Arena matapos siyang mag-best actress sa Cannes Film Festival sa France sa pelikulang “Ma Rosa” ni Direk Brilliante Mendoza.

Facebook Comments