Jail Guard, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga awtoridad ang isang jail guard ng Cagayan Provincial Jail at itinuturing na High Value Target bandang 9:10 kahapon ng umaga sa Arrow Village, Carig Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Arturo Advincula, 49-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Centro, Tuao, Cagayan.

Dinakip si Advincula ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cagayan Provincial Office, RPDEU, PIU/PDEU – CPPO at CDEU, TCPS matapos nitong bentahan ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P5,000 na boodle money.


Nakumpiska sa suspek ang lima (5) pang plastic sachet ng shabu na nakabalot sa papel; limang (5) bala ng kalibre 45 na baril; pitong (7) bala ng M16 rifle; isang (1) bala ng kalibre 9mm na baril at mga personal na kagamitan gaya ng cellphone at motorsiklo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments