Jail officer sa Masbate, patay matapos pagbabarilin

Manila, Philippines – Patay ang isang Jail Officer matapos pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army sa Barangay Matandang Placer Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing jail officer na si Allan Alburo, Jail officer 3 ng Placer Masbate.

Sa ulat ng PNP, alas -7:20 ng umaga kahapon ng maganap ang pamamaril sa biktima habang ito ay papalabas ng kanyang bahay at pasakay sa kanyang owner type jeep.


Bigla umanong sumulpot ang miyembro ng NPA at pinagbabaril ang biktima dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril habang tinutugis na ang mga rebelde.

Facebook Comments