Jail personnel sa Region 3, CALABARZON at MIMAROPA, bakunado na rin

38

Bakunado na rin ngayong araw ang mga jail personnel mula Region 3, CALABARZON, at MIMAROPA.

Kasunod ito nang pagdating ng abot sa 313 doses ng Sinovac vaccine sa National Vaccination Operations Center ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Headquarters.


Simula kahapon, kabuuang 9,791 BJMP personnel ang tinurukan ng first dose at 6,592 naman sa second dose ng Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer vaccines.

Abot naman sa 1,631 Persons Deprived of Liberty (PDL) na senior citizens at may comorbidities ang bakunado na sa tulong ng mga Local Government Unit (LGU).

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, target nila na mabakunahan ang nasa 16, 857 BJMP personnel sa buong bansa.

Facebook Comments