Jaime Augusto, Fernando Zobel De Ayala inako ang responsibilidad sa nangyayaring water crisis

Sa unang pagkakataon, inako ng magkapatid na Jaime Augusto at Fernando Zobel De Ayala ang responsibilidad sa pagkukulang ng Manila Water na nagbunga sa malawakang water interruption.

Nabatid na ang Manila Water ay subsidiary ng Ayala Corporation.

Sa payahag ng magkapatid, sinabi nilang hindi lang April bill ng mga apektadong mga konsyumer ang kanilang iwi-wave kundi maging ang March bills ng mga nakatira sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng water crisis.


Anila, doble-kayod na ang kompanya para maibalik sa normal ang serbisyo at hindi na maulit ang kakulangan sa suplay.

Kasabay nito, humingi rin paumanhin ang magkapatid sa mga naperwisyo ng kakulangan ng supply ng tubig.

Facebook Comments