Jake Cuenca, inaresto makaraang makabangga ng police mobile

Arestado ang aktor na si Jake Cuenca matapos umanong mabangga ng kanyang SUV ang isang sasakyang gamit ng mga pulis.

Nangyari ang insidente alas-9:00 kagabi sa Mandaluyong City.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director Police Brigadier General Matthew Bacay, nauwi pa sa habulan ang insidente makaraang hindi tumigil ang SUV matapos na mabangga ang sasakyan ng mga pulis.


Naabutan nila ito sa bahagi ng Shaw Boulevard sa Pasig City at doon na nakilala na ang driver na si Cuenca.

Isinailalim ang aktor sa medical examination ngayong umaga kung saan magkakaroon din ng inquest proceedings dahil sasampahan siya ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property ng Mandaluyong Police.

Samantala, isang Grab driver ang tinamaan ng stray bullet matapos na paputukan ng mga pulis ang gulong ng sasakyan ng aktor.

Ayon kay Bacay, inatasan na niya si Mandaluyong Police Colonel Mel Unos na asikasuhin ang lahat ng pangangailangan ng biktima.

Facebook Comments