Jake Ejercito, tumanggi sa lahat ng papuring natatanggap para sa pagpapalaki sa anak na si Ellie

Photo Courtesy: Jake Ejercito Facebook Page

Tinanggihan ng aktor na si Jake Ejercito ang lahat ng papuring kaniyang natatanggap para sa pagpapalaki sa kaniyang anak na si Ellie.

Sa Facebook post ni Jake, ibinahagi nito ang maraming positibong komento mula sa mga netizens na nagsasabing isa siyang mabuting ama.

Ayon kay Jake, bagama’t natutuwa sa mga komento, nilinaw nito na ginagawa niya lang ang lahat para maging best dad kay Ellie.


Binigyang-papuri rin ni Jake ang mommy ni Ellie na si Andi Eigenmann dahil sa pagiging great co-parent nito.

Pinayuhan naman ng aktor ang lahat ng ama na magkaroon ng magandang relasyon sa kanilang mga anak dahil maituturing itong great experience sa lahat.

Sa ngayon bagama’t hiwalay na, nananatiling nasa magandang relasyon sina Andi at Jake para sa kanilang anak.

Facebook Comments