Jake Zyrus – hindi na rin dinaratnan ng ‘period’

Manila, Philippines – Masayang ibinahagi ni Jake Zyrus, ang dating international singing sensation na si Charice Pempengco, ang mga pagbabagong nararanasan niya bilang isang transgender man.

Maliban sa pagpapatanggal ng dibdib at pagpapa-inject na ito ng testosterone.

Sey ni Jake, hindi na rin siya “dinadatnan ng monthly period o menstruation.”


Totoo, maari pala kasing magkaroon ng iregularidad sa pagkakaroon ng monthly period kapag nag-exceed na ang level ng testosterone sa katawan ng isang FTM (female-to-male) patients dahil pinipigil ng testosterone ang ovulation ng egg.

Ayon pa kay Jake, nakikita na rin niya ang mga pagbabago sa kanyang katawan, tulad ng pagkakaroon ng bigote, facial hair at paglaki ng kanyang boses.

Sa ngayon, sabi nito higit sa prosesong pagdadaanan ng kanyang pagkatao, mas pinaghandaan niya ang reaksiyon ng mga tao kung saan expected niyang hindi ito laging happy ending.

 

Facebook Comments