Jake Zyrus, ibinida sa social media ang facial hair

Ibinahagi ni Jake Zyrus ang tila latest update o development sa pangarap niyang maging ganap na lalaki.

Sa Instagram, nag-post ang singer ng larawan na kita ang tumubo sa mukha niya na manipis na bigote at balbas.

Tanging photo lang at wala namang caption na inilagay si Zyrus sa post.


 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake (@jakezyrusmusic) on

Umaming “tomboy” si zyrus–na nakilala at sumikat bilang Charice Pempengco–noong 2013, 21-anyos pa lamang siya.

Taong 2017 naman nang sumailalim si Zyrus sa female to male (FTM) chest reconstruction surgery o “top surgery”, na aniya nagbigay sa kanya ng pakiramdam na kumpleto na ang kanyang pagbabago.

Inihayag niya rin noon na sumasailalim siya sa testosterone-hormone therapy.

Facebook Comments