Jamaican national, arestado sa panloloko at droga sa Caloocan City

Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang isang Jamaican national nang maaresto sa entrapment operation dahil sa panloloko sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Alvin William, 35-anyos na modus ang robbery extortion.

Nagsagawa ng operation ang mga pulis sa General San Miguel Street, Sangangdaan laban sa dayuhan at apat na kasabwat nito na hinihinalang miyembro ng international syndicate.


Isang ginang ang kanilang naloko at nakuhanan ng mahigit dalawang daang libong piso kung saan hindi naman na nabawi ang pera ng biktima.

Nakuha naman sa mga suspek ang marked money, iba’t-ibang I.D. at shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Facebook Comments